Magda [SPG]
READING AGE 18+
Magdalena Virgo Articulo, dalaga, maputi, matangkad at higit sa lahat ay maganda na pwedeng ilaban sa mga beauty contest, waiter sa isang bar. Subalit iba ang kanyang katauhan sa umaga. Katwiran kasi niya ay hindi naman kasya sa kanilang mag-ina ang kinikita sa trabaho sa bar. Wala rin sa kanyang bokabularyo ang salitang pag-ibig nang lokohin ng Ama ang kaniyang Ina. Katwiran pa niya ay para sa marurupok lamang ang pagmamahal na 'yan. Brent Pagdangan, isang alagad ng batas. Matangkad, moreno, binata, gwapo at matipuno ang katawan. Nadestino sa lugar nila Magda, kaya naging customer nila ito madalas sa bar. Dahil lagi niyang kausap ang binata ay nalaman niya kung ano ang pakay nito sa kanilang lugar. Pero imbis na matakot siya ay nakipag kaibigan pa nga siya sa binatang pulis. Dahil iniisip niyang magiging ligtas siya kung sakaling mabuko nito ang iba pa niyang trabaho. Subalit sa isang hindi sinasadyang pangyayari ay nalaman nito ang kanyang lihim. Para hindi iyon mabunyag at makulong siya ay inalok siya nito na magsama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Susuportahan silang mag-ina huminto lamang siya sa kanyang trabaho. Pumayag naman siya dahil katwiran niya ay pagod na rin naman siya sa kakatago. Subalit ang hindi niya matanggap ay unti-unti nang napapamahal sa kanya ang binatang Pulis. Umuusok kasi ang ilong niya kapag may nakikitang kausap si Brent na babae. Kaya madalas ay mainit ang ulo niya. Prinangka naman siya ni Brent na nagseselos daw siya kaya siya laging galit. Pero mariin niyang ikinakaila iyon. Aaminin na ba niya na mahal na nga niya ang binatang nag-ahon sa kanya sa maruming gawain? Ngunit, paano naman ang agam-agam niya na baka magaya lamang siya sa Ina na niloko ng asawa? Hindi naman kasi niya naririnig kahit isang beses sa binatang alagad ng batas na mahal din siya nito? Lalayo na lang ba silang mag-ina at babalik siya sa dating trabaho? O susugal siya sa walang katiyakan kung ano ang magiging kapalaran kasama si Brent?
Unfold
MAGDA's P O V
" Ano, Virgo!? Naniwala ka nang kasunod mo kami kapag nakita kitang pumasok sa bar, ha!? " paninita ni Brent nang bumaba siya mula sa kotse ng hindi ako sumakay
Tinalikuran ko siya at nag lakad palayo subalit sumunod naman siya sa akin. Dire- diretso laman……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……